top of page

'Your Name' pero Teknolohiya



Sa mundo ngayon, kinakailangan natin makisabay sa mabilis na pag-unlad ng mga bagay-bagay at isa na rito ang teknolohiya. Tayong mga Pilipino ay nahuhuli sa larangan na ito at makikita mo sa kakulangan sa suporta pagdating sa mga larangang gumagamit madalas ng ganito kagaya ng inhinyeriya, pananaliksik, agham at pati na rin sa edukasyon.


Pero, bakit nga ba nahuhuli ang Pilipino pagdating sa teknolohiya? Sa katotohanan, binansagan tayong ‘Social Media Capital of the World’ dahil nangunguna tayo sa dami ng gumagamit ng mga aplikasyong ito. Pero bakit nahuhuli pa rin tayo sa pag-unlad? Maniniwala ka ba na dahil ito sa hindi pagbibigay importansya sa pagpangalan ng mga imbensyon na ito?


Ang ating wika ay binubuo ng maraming hiram na salita kaya hindi masyado nabibigyang importansya ang isang bagay at pagkakakilanlan. Dahil dito, hindi rin napapaunlad ang mga naiimbentong teknolohiya sa dahilan na lamang na walang maipangalan dito.

13 views

Comments


bottom of page